Joey de Leon also had his chance to talk to his audience in Eat Bulaga ( where he is one of the hosts) regarding Willie's statement days ago. Please see HERE

Here are some excerpts of his statement:

"Mga kaibigan, 'pag ang bata po nadapa, tinatanong natin 'Bakit?' 'Pag nauntog, 'Bakit?' Kung buong Pilipinas pa, buong masang Pilipino at mga mahihirap na sumasali at umaasa lang sa mga ganitong palaro at may nangyaring ganoon, hindi ba karapatan din niyang magtanong, 'Bakit? Bakit nagkaganoon?'"

"Hindi pa po pinapaliwanag nitong taong ito (Revillame) bakit nagkagulo-gulo. Bakit hindi na lang lumabas iyong dos? Bakit mayroong zero muna? Iyon po ang nasa YouTube at sa kung anu-ano pa,"

"Bakit hindi niyo muna ipaliwanag bago kayo, ipasa niyo ang sisi at para malihis ang atensyon ng humihingi ng tanong na bakit nagkaganoon. Iniuna niyo pang tirahin ang ibang tao para malihis ang atensyon? Ang pagsasalita ko pong ito ay alang-alang sa milyun-milyong Pilipino na nanonood ng telebisyon at humihingi ng paliwanag... Para lang sa spirit ng fairness, siguro dapat nating ipaliwanag. Kaibigan para sa iyo ito. Explain before you complain. Ganoon lang po iyan,"

"Isa lang ang pakiusap ko kaibigan sa iyo. Pag-aralan mo na magpaliwanag kung may dapat kang ipaliwanag na mga di umano ay mga pagkakamali mo. Dahil pare-pareho tayo ng ginagawa para sa tao. Laging sinasabi mo iyan. Para sa bayan... Kung anuman ang kalabasan ng reaksyon ng tao sa iyo, tanggapin natin,"

"At isa pa, importante sa lahat. Pag-aralan mong umiyak nang may luha. Kasi alam mo madali lang naman lumuha. Kumuha ka ng sibuyas o alcohol, pisikan mo ang mata mo. Alam mo sinusundot mong ganoon. Ayoko namang, masyado mo akong fina-flatter. Baka sabihin ng tao, si Joey siya ang kauna-unahang nagpaiyak ng dugo sa isang tao. Huwag, masakit iyon. Dudugo iyan. Iyon lamang kaibigan,"

"Alam n'yo inuuna n'yo 'yang 'Hello, Garci.' Bakit hindi niyo muna unahin itong 'Hello Papi? Joke lang! Joke "