Both of them have a point regarding this controversy, and it's up to the people kung sino ang nakakuha nang kanilang simpatiya. Network war is far from over! Below is an excerpt of Joey's comment:

“Kung meron kaming sinasabi dito sa aming program (Eat Bulaga!) ito ay para sa mga nanonood sa amin. Alam namin ang hirap ng mga audience para makapasok at manood ng aming programa. Alam din namin ang hirap na pinagdadaanan para makasali sa contest. Kaya dito sa programa namin, sinisigurado namin na malinis, walang hokus pokus, at parehas ang laban ng bawat contestant na sumasali.

"Ngayon, kung may tinamaan kami sa aming mga sinasabi 'bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag magagalit.' Wala kaming binabanggit na pangalan o programa. Kaya lang, ang tanong ng tao sa You Tube, sa TV, sa diyaryo, sa radio, at mga taong nag-complain sa DTI: Bakit may dobleng numero sa isang gulong? Iyon ang sagutin mo [Willie]. Hindi tungkol sa akin ang isyu.” Source: PEP